![]() |
walang connection sa blog ko. haha |
1. White and Fair Skin! - well, having a chicken pox sure thing PUPUTI ka! pag meron kang chicken pox, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay kung ayaw mo na sunugin ng mga kapitbahay mo yung bahay niyo dahil hinawaan mo lahat sila. at di mo rin gugustuhin na lumabas at makita nila ang itsura mo na puro bulutong kung ayaw mo pandirihan. at dahil mahigit 2weeks ka magkukulong sa bahay, hindi ka maarawan. lalo na kung naka aircon ka, kasi para maiwasan ang pangangati, hindi ka dapat pagpawisan. so kung may aircon kayo magbabad ka lang. at sa loob ng 2weeks na yun. i guaranteed you, mag-iiba ang kulay mo. :)
2. Smooth Skin! - kikinis ang iyong kutis. (depende nalang kung mag-iwan ng peklat ang mga bulutong mo) pag may chicken pox ka, no. 1 advice ng doctor ay to drink water! 8 glasses of water. pag may chicken pox ka hindi ka pwedeng madehydrate. at ang pag-inom ng tubig ay isa sa pinaka mabisang paraan para makaganda ng kutis. antioxidant. iwasan lang kamutin ang mga bulutong para di masira ang pagkakaroon ng smooth skin.
3. Me Time- Well, isa sa mga kagandahan ng pagkakaroon ng chicken pox ay magkaroon ka ng "Me time" bukod sa makakapag pahinga ka, magkakaroon ka ng time to know more about yourself. titigil ka sa pag-iisip ng trabaho, school at kung ano anong problema sa labas. dito ma- assess mo ang iyong sarili; kamusta na ba ako? ano na ba nangyayari sa akin? may mga nasaktan ba ako? mga masasayang bagay? dahil minsan sa sobrang busy natin, nakakalimutan natin ang ating mga sarili. di na natin nakikita kung ano o sino na ba tayo sa ibang tao. dito tinitignan mo ang sarili mo beyond. time to cheer up yourself, magrelease ka ng life through your mouth. "ang ganda ko! ang galing ng pagkakagawa ni God sa akin" alalahanin ang mga nagawang maganda at maging ang mga nagawang mali para maging aral.
![]() |
kahit chaka ko dito, complete kami eh :) haha |
4. Family Time- Lahat ng tao siguro ay medyo iiwasan ka hindi dahil sa nandidiri sayo pero dahil takot lang talaga sila mahawa dahil di nila kaya magkasakit at siyempre sino ba gugustuhin magka chicken pox diba. pero ang family mo, never ka nila pandidirihan, especially your parents. kaya take time din para makipag bonding sa kanila, Quality time with them. simpleng kuwentuhan, tawanan. conversation about future, lovelife, plans, problem at marami pa. mahalaga ang family time, nakakatulong para mas maging strong relationship ng family. marami ang nagrerebelde dahil sa mga family na di nagkakaitindihan, maraming bagay ang nagiging sikreto pag di pinag-uusapan. maraming tao ang sinisisi ang pagkasira ng kanilang buhay sa family or kakulangan ng love from family. kaya take time na my chance ka to have some simple bonding sa loob mismo ng inyong bahay.

See. walang dapat ika-sad pag my chicken pox :) believe me, kasi napag daanan ko yan. i am a living testimony na naging blessing sa akin ang pagkakaroon ng chicken pox :)
All the Glory and Honor to you God! :) PRAISE GOD IN GOOD TIMES AND BAD TIMES :)