SAY NO TO BULLY!

Whatsapp guys! been reading all my blogs since day1, i tried na balikan all my posts today. grabe, kung may ambassador siguro ng verse na "Your tongue has the power to release life and death" siguro napili na ko. haha while reading that pwede yata ako magkaroon ng advocacy program hahaha bakit nga ba sobrang big deal sa akin nito, well i think kasi minsan na ako nadaya ng kalaban about diyan and i think hindi basta pwede tanggapin nalang natin kasi nagiging ignorant tayo, akala natin porket nagsasabi lang tayo ng nararamdaman or sabihin nagpapakatotoo or kahit na anong reason ng mga tao pag nagrerelease sila ng death sa sarili nila o sa ibang tao. marami ang hindi alam na nagiging chance ng evil yun, and imagine, same tongue kapag pnpraise mo si God is the same tongue kapag nagrerelease ka ng mga kung ano anong negative sa sarili mo pati na sa ibang tao. (well guilty din ako somehow).

well, actually ang point ng blog ko na to is to share my past and experience talaga haha naalala ko last time Me and my mom watched MMK then pag commercial lilipat namin sa Magpakailanman. why? kasi sobra lang ako nakarelate sa story nung sa Magpakailanman. Story of a high school girl who was being bullied that nag end up sa suicide. habang pinapanood ko siya biglang bumalik lahat ng memories ko nung highschool, as in literal nag flashback, then maya-maya bumigat na yung pakiramdam ko. my mom doesn't know anything, tinago ko lahat when i was a teenager, and hindi ko matandaan bakit ko tinago sa kanila yun, maybe bata pa kasi ako, and hindi ko alam how to respond sa situation. or natakot lang talaga ko dahil ayokong umiyak?
 At dahil habang pinapanood ko naiiyak na ko, napatingin sa akin si mama, sabi niya "bakit ka umiiyak? (habang tumatawa) para yan lang naiiyak ka na". then bigla ko na nasabi, " Mama, lahat yan naexperience ko na" then i saw yung shifting on her reaction. habang nakangiti at nangingiyak kinuwento ko sa kanya lahat LAHAT.

nung high school, habang break at nasa classroom ako may grupo ng girls who were looking for me sino daw si cristine calawod, nagulat ako then tinawag ako ng isang classmate ko na lalaki "hoy cristine hinahanap ka". nilabas ko sila then sinimulan na niya ko tignan mula ulo hanggang paa, then like a gangster na napapanood niyo sa movie, may leader na nagsalita "ikaw yun? hindi ka naman pala maganda" habang nagtatawanan sila, at meron pa nagsabing "ano banatan na natin" at mga kung ano ano pa. walang kahit na sino umawat nun, at natatakot na ko sa pwedeng gawin nila bilang ang dami nil, but i need to look for a way na maka escape ako sa kanila kaya bigla ko sila tinarayan at bumalik sa seat ko. nanlalamig ako, my classmates were asking ''bakit daw" kinuwento ko pero hindi ako nakahanap ng kakampi, i feel that they really dont care they were just interested kasi gusto ng tsismis. akala ko tapos na dun, pero after ko sila tarayan, nung uwian na nakita ko sila nag aabang sa gate then lalapitan na nila ako tapos para akong tanga na tumakbo ng mabilis, nakita ko nalang sarili ko na hinahabol na nila, tapos araw-araw na yun lagi silang nasa tapat ng gate nakaabang tapos ako sasabay sa labasan ng madaming tao para di nila makita. lagi akong nagtatago. naexperience ko din na makatanggap ng mga threats sa text. tapos habang nagtuturo yung teacher ko ineexcuse ako ng hindi student from our school, gusto ko sabihin sa teacher ko na wag siya pumayag, pero natatakot ako mapahiya sa buong klase. buti nalang naramdaman ng teacher ko yung takot ko, nung malapit na ako sa door, pina-stop ako ng teacher ko tinatanong niya kung kakilala ko daw ba, biglang sumagot yung girl na "oo bestfriend ko siya". hindi naniwala yung teacher ko, pinagalitan yung babae tapos dinala namin sa barangay. tapos akala ko dun na matatapos yun. but No!  pagdating ng 3rdyear HS ko naman meron group ng mga bakla at babae lumapit sa akin sa labas ng school. then again naghahanap na naman ng away. grabe kung ngayon na matanda na ko tapos nakikita ko yung situation na yun siguro pinag babatukan ko na lahat sila tapos pagsasabihan ko sila na Bakit niyo ginagawa yung mga bagay na yan. bakit?? pero hindi yun ang ginawa ko nung time na yun. dahil sa takot ko at feeling ko ang duwag duwag ko. sumali ako sa fraternity. yes!! sumali ako ng fraternity kasi naisip ko kaylangan ko ng magpprotect sa akin. kaylangan ko ng group o mga kaibigan na handa makipag labanan para sa akin. at dahil hindi siya ordinary fraternity at para makasali ako kaylangan ko daanan ang process. nakatikim ako ngtinatawag na initiation na paddle hazing, 56 ang unang palo sa akin tandang tanda ko yun gabi, around 8pm gusto ko na mahimatay sa sakit na habang naka blindfold ako at naka school uniform na all white sa madilim na overpass malapit sa bahay namin, at naririnig ang mga sasakyan, pina-paddle ako sa hita ng 2 lalaki. bawat palo tinatanong ako, at kahit ang sakit sakit, kaylangan sumagot ako ng may "Master". "Kaya pa Master", YES MASTER!!. 56 ang unang palo sa akin, half lang yun. may ibang araw daw ng session para sa susunod na hazing kasi 100 plus para maging ganap na miyembro. umuwi ako na masakit ang hita, hindi ako pwedeng humiga sa kama paguwi, kaylangan nakadapa kasi masakit pag tinamaan. hindi ako pwedeng nakashorts kasi makikita nila sa bahay na VIOLET ang kulay ng hita ko. sabi nga ng iba UBE.  hindi ako pwedeng magpakita na hirap maglakad o umupo. ilang araw din yun, pero ayun walang kaya itago sa darkness kaya may isang sabado, walang pasok, ginigising ako ng kuya ko, sa likot ko matulog nakaangat na pala ang mahabang jersey shorts ko nakita niya yung malaking pasa sa hita ko, alam nila kung ano yun! di ko sila pwedeng maloko, galit na galit silang lahat. combo silang lahat ng sermon at tanong. pero wala akong sinagot, inamin ko lang ko lang kung ano yung frat na sinalihan ko. ilang palo daw natanggap ko.. kung gusto ko daw ng palo pwede naman nila ko paluin.. nung nalaman ng kuya ko na lalaki ang pumalo sa akin, mas lalo siya nagalit. (later ko na nalaman dapat pala pag babae, babae din ang papalo!)  tapos that day hinanap ng kuya ko yung leader ng chapter na yun, naging kakilala niya pala dati. inaway niya, na wag na wag daw ako isasama o isasali sa kahit na ano ng frat na yun. ang ending nadisappoint ko silang lahat. kami ng mga pinsan ko ginagawa nalang namin joke ngayon, pero yung kuya ko until now naaasar siya sa pagsali ko. akala nila dahil bata ako nageexplore lang ako and out of curiosity lang kaya ko sumali. hindi ko kasi masabi na gusto ko ng kakampi.

pagdating ng 4th year, Praise God nilipat na ko ng school last year of my high school. dun na ko napunta sa VCMC. isang christian school, may kaunting mga kaklase, matitino, so nung dumating ako parang ako pa tuloy ang kakaiba (black eyeliner at naka blush-on) :) 


hindi madaling ishare pero i think naka ipon na ko ng courage for this. so ayun, ngayon alam na ni mama kung bakit ako sumali din ng fraternity dati. ang hirap talaga pag sa tao ka nag rely, pag sa tao ka kumukuha ng confidant, ng kakampi, ng understanding, ng identity mo. hindi mo nakikita unti unti ka pala sinisira hanggang sa nakalubog ka na. yun yung kaibahan ni God! pag sa kanya mo nakita identity and position mo everything is perfect. alam mong hindi dahil sa sarili mong gawa but because of what Christ has done for you. nagttremble yung enemy sa harap mo, kahit na ano sabihin ng iba hindi ka nasasaktan. may assurance ka ng life. ayy grabee!! sweet victory!!


Why God loves me?

Woow! namiss ko mag blog. :) its been a long time since my last blog  (kala mo naman daming readers hahaha)

Well honestly, i started this whole blog just because of my fan girling to saab magalona 😂😂 gusto ko talaga magpaka conyo at dahil idol ko si saab gusto ko maging blogger kasi feeling ko nakakaganda pero medyo hindi naman pala haha. But that was just before, kasi simula nung ginawa ko to, nag eend up ako doing blogs for God, nagiging tool ko siya to share my thought and mga feeling ko gusto ko i-impart kung may small group ako . I am not even promoting my blogs, i am always thinking na mababasa na lang to ng mga loved ones ko when im gone.  di ako writer, at hindi rin ako blogger specialist or whatever, pero pag nagbl-blog ako gumagaan pakiramdam ko, yung mga teachings, sharing na di ko na sshare sa mga tao, nash-share ko dito. thank you sa gumawa ng blogspot. at libre :)

okay, bakit nga ba parang ang complicated ng topic ko ngayon. sino nga ba naman ang makakasagot sa tanong na "Why God loves me?" bakit nga ba tayong sobrang love ni God?  di ko ma-assure na matatapos ang blog na to na masasagot ang tanong na yan, kasi tanong ko nga din yan e. :) pero by God's grace susubukan ko siya ibahagi based on revelation ni God sa akin, i Pray that makapag release ako life through this.

how God's working in my life, How  generous and faithful God is  para masabi kong GOD LOVES ME? ano nga ba ang sagot? hmm..

dati nung bata ako, masasabi ko lang na love ako or blessed ako pag may magandang nangyayari sa akin. especially pag nagra-grant ang "wish" ko. pero nung tumatanda ako nagkakaroon na ko ng ibat ibang klase ng problema na di naman kalakihan pero pag nafe-feel ko na di ko kaya, or kung may hihingiin ako kay God na hindi niya binigay, naiisip ko hindi ako mahal ni God. im sure kayo din, one point in your life naisip niyo na di kayo mahal ni God or nasabi niyo na din ang salitang "Ang daya mo naman Lord", "ang unfair mo God"  or biglang  napaisip ka na sa salitang "baka nga hndi naman talaga totoo si God". honestly speaking i even decided to commit suicide when i was in high school. (pero super funny ng suicide story ko tinatawanan ko nalang siya talaga ngayon).

I commit an epic suicide when i was 16. reasons? nakalimutan ko na. feeling ko dati ang dami dami na to the point na deserved ko na tapusin, at gusto ko na lagpasan. feeling ko ako na ang pinaka maraming problema sa mundo. break up, failure sa school, disappointment ako sa family, i was being bullied in school (my school before VCMC), i was felt alone. Pero now pag tinatanong ako kung bakit ko nagawanf magsuicide  sobrang natatawa nalang ako. seriously, dahil sa lahat ng yun gusto ko tapusin lahat? Ayy grabe Praise God, He rescued me!  I continue living this what we called "Life"  daming ups and downs, get into depressions, worries in life.  But God is really preparing me for something new,  He wanted to introduce his true self to me, He even use my school who provides christian living subject, a pastor that we can visit downstairs, my classmates who shares Jesus Christ and who always invited us in church.  i just accept them but im not actually letting them in.
 Because, i was blinded in truth. Alam kong may God, my god who punish me when i get wrong, god na pag sobrang saya mo babawiin niya ng lungkot after, god na pag di ako nag church for the whole week mamalasin ako buong week, god who requires me to have an ash every ash wednesday, god who requires me to sacrifice so that i can get what i want. god na hindi ko sure kung naririnig ako kaya need ko ng help ng ibang saints. god who can do all things pero sa ibang part na to Ako lang dapat. god na yearly pinapako sa cross tuwing holyweek. god na patay kapag holy friday.


But God intently want me to have a personal relationship with Him. when i was in college, He used my "nanay debbie" who happened to be my orgmate and dormate as well.. she invited me to attend a Christian church near our school, and  i joined her. It was really different. I saw people who are all on fire singing praises, and worshipping while their hands up, some of them are emotionally touching their heart. I never felt that it was weird, i got goosebumps actually. Then, i close my eyes and let that presence filled me, then i cried (i never felt that before). But that journey was not easy at all, i was being eaten by worries of the world, i want to know Him more but i am busy in worldly things and concerns,  and again I accept it but im not letting it in.

My sister-in law invited me and my cousins to attend a "Encounter with Christ" with ACCF. That day was special.  They are guiding us in knowing Christ through bible and testimonies, i learned what really the Cross means, and what really Christ did for me.. Literal ang masasabi ko lang "Busog na busog ako sa teaching About Grace" that time. I seek the Lord, Then for the last day I accepted and Let Jesus to be my Lord and Savior. And i believe Jesus sent me the Holy spirit. I was really on fire, i started speaking in tongues, i was crying. That Day i felt that God really wanted me to know Him,  and God really wanted to show me that HE LOVES ME THAT MUCH! And that day changes everything. I get so excited going to church, to learn the bible, to hear the grace all over, to share the gospel to others.

Then and now is not a perfect walk for me, i failed many times but God always lifted me up. Now that God reveal himself to me, i am deeply more inlove with Him.  I am not a worrier of the world anymore, i am a conqueror.  His unending grace and love from that cross is one perfect  proof that He loves me so much. He loves me so much na He send so many people and ways para magkaroon ako  ng personal relationship with Him, He wants to reveal himself to me, He wanted to send the Holy spirit to me so magkaroon ako ng guidance in knowing him. He loves me so much na gusto niya maging dependent ako sa kanya, He loves me so much na gusto niya akong kausap lagi. He loves me kaya He provides everything. He loves me that much na kahit nasasaktan ko siya He still there always waiting for me to comeback. His love never fails. His love gives life.

Now "Why God loves me?" I am not perfect, i sinned against Him, i failed Him. Lord why do you love me? I didn't do anything for you. How could you love someone like me Lord?  When you called me i was devastated, miserable, i am no use at all. Then why do you love me God? Its not because of good works, not at all.  I really dont know, ang alam ko lang i am ill-deserved with that Love, but i will embrace it, Because that Love gives life.


We are loved by God, and its a matter of accepting or denying it. Kung alam niyo kung bakit tayo Love ni God share niyo din sa akin ah :)